Ezekiel 15

Ezekiel

Chapter 15

Tagalog translation

1Dumating sa akin ang salita ng Panginoon:

2"Anak ng tao, paano naiiba ang kahoy ng puno ng ubas sa sanga ng kahit anong puno sa kagubatan?

3Kinukuha man ba ang kahoy mula dito upang gawing isang bagay na kapaki-pakinabang? Ginagawa man ba nila itong mga piko upang makabit ang mga bagay?

4At pagkatapos itong ihagis sa apoy bilang panggatong at ang apoy ay sumusunod sa parehong dulo at kumupas ang gitna, magiging kapaki-pakinabang na ba ito sa anumang bagay?

5Kung ito ay hindi kapaki-pakinabang sa anumang bagay nang ito ay buo, gaano pa man kaya ito na maging kapaki-pakinabang na bagay kung ang apoy ay sumusunod dito at ito ay kumupas?

6"Samakatuwid, ito ang sinasabi ng Soberanong Panginoon: Tulad ng aking ibinigay ang kahoy ng puno ng ubas sa pagitan ng mga puno ng kagubatan bilang panggatong para sa apoy, gayon din ang aking paggagawa sa mga taong naninirahan sa Jerusalem.

7Itataas ko ang aking mukha laban sa kanila. Kahit na sila ay lumabas sa apoy, ang apoy ay magpapatuloy na sumisiklab sa kanila. At kung itataas ko ang aking mukha laban sa kanila, malalaman mo na ako ang Panginoon.

8Gagawing alibangbang ko ang lupain dahil sila ay hindi tapat, ipinapahayag ng Soberanong Panginoon."

Journal this passage

Reflect on Ezekiel 15 with HolyJot — free Scripture journaling available in 18 languages.

Start journaling free

Faith

HolyJot · Scripture companion

Online
Hi there! I'm Faith, your Scripture companion from HolyJot. 😊

I'm here to explore the Word with you, answer questions about the Bible, or help you figure out where to start on your faith journey.

What's on your heart today?

Powered by HolyJot FaithAI · Scripture-grounded